|
|
Araw ng Manggagawa |
| Download mp3 (2.8 mb) |
Nilikha sa Kamaynilaan noong 1978
|
|
| Harapin araw ng pakikibaka!
|
|
| Ang lakas nasa pagkakaisa!
|
|
| Taglay natin ang isang panata:
|
|
|
| Bukas ay isang malayang umaga.
|
|
|
| Ito'y araw ng kabayanihan
|
|
| Tayo'y di magagapi kailan pa man
|
|
| Maghirap man o magbuwis ng buhay
|
|
| Sa pakikibaka t'yak magtatagumpay!
|
|
| Ito'y araw ng kabayanihan
|
|
| Tayo'y di magagapi kailan pa man
|
|
| Maghirap man o magbuwis ng buhay
|
|
| Sa pakikibaka t'yak magtatagumpay
|
|
|
| Ang kalaba'y maglaan anumang bitag
|
|
| Pagdusta, parusa o pamamaslang
|
|
| Itakwil nating lahat ang pahirap
|
|
| Kaapiha'y atin nang bigyang wakas
|
|
| Ang katarungan ay ating lakas!
|
|
|
| Yama'y ating likha, ano't busabos?
|
|
| Ati'y kalayaan, bakit nakagapos?
|
|
| Ang lakas nati'y bakit dinudurog?
|
|
| Katarungan! Ang sigaw ng nalugmok
|
|
| Katarungan! Tayo rin ang tutubos
|
|
|
|
|